P3.4 MILLION HALAGA NG SUSPECTED SHABU, NASAMSAM NG OTORIDAD SA BUY-BUST OPERATION SA KABUNTALAN, SULTAN KUDARAT, MAGUINDANAO DEL NORTE
- Teddy Borja
- Dec 26, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng otoridad ang 3.4 million pesos na halaga ng suspected shabu sa isinagawang Joint Anti-illegal Drug Buy-Bust operation sa Barangay Kabuntalan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, alas 4 ng hapon, araw ng Miyerkules, December 25.

Ang mga iligal na droga ay isinilid sa sampung heat sealed transparent plastic sachets na tumimbang ng limang daang gramo.

Nabili ito nang nagpanggap na poseur buyer.
Arestado naman ang target sa operasyon na kinilala sa alyas “Dhats”, 30 taong gulang na residente ng bayan ng Talitay.
Nakumpiska rin mula sa posesyon nito ang buy-bust money, id, cellular phone, at motorsiklo.
Nasa kustodiya ngayon ng Sultan Kudarat Municipal Police ang mga ebidensiya at ang naarestong indibidwal habang inihahanda ang kaso laban dito.
Pinangunahan ng Sultan Kudarat MPS ang operasyon sa pamumuno ni Police Colonel Esmael sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang unit ng PNP at AFP.
תגובות