P3.4 Million na Halaga ng Pinaniniwalaang Shabu, Nasamsam ng PDEA BARMM sa Ikinasang Buy-Bust Operation sa Poblacion 5, Cotabato City; 2 High Value Target, Arestado!
- Diane Hora
- Jan 9
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Unit BARMM ang 3.4 million pesos na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Poblacion 5, Cotabato City araw ng Miyerkules, January 8.

Isinilid ang iligal na droga sa isang transparent sachet na tumitimbang ng mahigit kumulang limang daang gramo.
Nakumpiska rin sa operasyon ang buy-bust money, dalawang cellphone, at mga identification card.
Arestado naman ang dalawang high value target na kinilala sa alyas na “Thing” at alyas “Saima” sa buy-bust na pawang residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang mga suspek na nakakulong sa PDEA BARMM Jail Facility.
Katuwang ng PDEA BARMM sa matagumpay na operasyon ang Maguindanao Provincial Police Office, Lanao del Sur Provincial Police Office, Regional Special Enforcement Team, Maguindanao Maritime Police Station, Cotabato City Police Station 1, Marine Battalion Landing Team 5, at Cotabato City Public Safety Office.
Comments