Provincial Government employee, kabilang sa dalawang inaresto sa buy-bust operation ng PDEA BARMM sa Marawi City kung saan nasamsam ang P3.4M halaga ng suspected shabu
- Teddy Borja
- Jan 23
- 1 min read
iMINDSPH

Limang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Marawi City, araw ng Miyerkules, January 22, 2025.

Ang iligal na droga ay nagkakahalaga ng 3.4 million pesos. Nakuha rin sa operasyon ang isang motorsiklo, dalawang cellphone at iba’t ibang identification cards.

Arestado sa operasyon ang isang 33 anyos na si alyas “Muning” na residente ng Tampilong, Marawi City at isang 42 anyos na si alyas “Alex”, isang provincial government employee at residente naman ng Tamparan, Lanao del Sur na nakakulong na sa PDEA BARMM Jail Facility habang hinihintay ang inquest proceedings sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Katuwang ng PDEA sa operasyon ang mga elemento ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), 1401st Regional Mobile Force Battalion, 43rd Special Action Company, 4th Special Action Battalion, at Marawi City Police Station.
Comments