P3.8 BILLION NA PROPOSED BUDGET NG TANGGAPAN NI CHIEF MINISTER AHOD EBRAHIM PARA SA TAONG 2025, APRUBADO NA NG COMMITTEE ON FINANCE, BUDGET AND MANAGEMENT
- Diane Hora
- Nov 28, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Hinimay sa loob ng dalawang araw ng Committee on Finance, Budget and Management ng BTA Parliament ang proposed budget ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim na nagkakahalaga ng 3.898 billion pesos para sa taong 2025.

Araw ng Miyerkules, November 27 nang aprubado ng komite ang panukalang pondo.
Paglalaanan sa pondo ang mga hakbang ng tanggapan hinggil sa policy formulation, general management, planning, research development, at data management, na nagtitiyak sa efficient governance at operational support.
Kabilang din sa pondo ng OCM budget ang anim na special programs, tulad ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBaG, Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG, Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN, Support to Local Moral Governance o SLMG, Marawi Rehabilitation Program o MRP, at Strengthening Access to Living Assistance to Marginalized Bangsamoro o SALAM
Bahagi din ng pondo ang Quick Response Fund na nagkakahalaga ng P251 million para suportahan ang kapasidad ng rehiyon sa paghahatid ng emergency services.
Comments