P32.19B NA PONDO, INILABAS NG SSS PARA SA 13TH MONTH AT DECEMBER PENSION NG KANILANG 3.6 MILLION PENSIONERS
- Diane Hora
- Dec 9, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Inagahan ng SSS ang paglalabas ng 13th month at December pensions bilang maagang pamasko sa SSS at Employees’ Compensation pensioners. Ito ang ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.
Abot sa 32 billion pesos na pondo ang inilabas ng tanggapan para sa 13th month at December pension ng kanilang 3.6 million na pensioners.
Paliwanag ni SSS Officer-in-Charge Voltaire Agas, natanggap ng unang batch ng pensioners ang nasa P17.9-B halaga ng benepisyo noong Nov. 29, habang ang ikalawang batch ay naipamahagi noong Disyembre 4, na napakinabangan ng 1.52 milyong pensioners na may kabuuang halaga na P14.3 bilyon.
Nasa P41.6-M din ang nairelease sa pamamagitan ng non-PESONet participating banks at tseke.
Comentários