top of page

P32K, TINANGGAP NG MGA BENEPISYARYO NG PROGRAMANG MUJAHIDEEN AND PROFESSIONAL ASSISTANCE FOR SCIENCE EDUCATION O MASE AT PASE NG MOST KASABAY NG ISINAGAWANG MASS OATH-TAKING

  • Diane Hora
  • Dec 9, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Nanumpa araw ng Sabado, December 7, 2024 ang mga benepisyaryo ng Mujahideen and Profesional Assistance for Science Education MASE at PASE na programa ng MOST BARMM.



Ayon kay MOST Minister Silongan na inilunsad ang nasabing programa upang matulungan ang mga anak ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front na makapag-aral sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kurso na may kaugnayan sa agham at teknolohiya.



Kasabay ng Mass Oath Taking, tumanggap ang bawat isa ng 32 thousand pesos ang bawat benepisyaryo.



Ang naturang pondo ay mula sa Transitional Development Impact Fund o TDIF ni Ministry of Science and Technology o MOST at Member of the Parliament Engr. Aida Silongan.


Nagbigay rin ng pondo para sa nasabing programa sina Abdullah Gayak, Mohammad Kelie Antao, Hashemi Dilangalen, Suwaib Oranon, Ibrahim Ali, Tarhata Maglangit, Lanang Ali, Abdulwahab Pak, Haron Abas, Tawakal Midtimbang, Rasul Ismael, Mudjib Abu, Hatimil Hassan

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page