P4,000 AT P8,000 CASH ASSISTANCE, TINANGGAP NG 510 ASATIDZ AT MGA MAG-AARAL SA IBA’T IBANG BAYAN SA MAGUINDANAO DEL SUR
- Diane Hora
- Dec 23, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Apatnaraan at animnapu’t dalawang mag-aaral ng Bangsamoro ALIVE sa bayan ng Guindulungan, Ali Pikit sa bayan ng Datu Hoffer, at Markadz Musham Abnu Umair sa Ampatuan, Maguindanao del Sur ang tumanggap ng tig apat na libong piso na cash assistance.

Walong libong piso naman ang tinanggap ng dalawampu’t siyam na asatidz.

Ito ay mula sa tanggapan ni MP Baintan Ampatuan sa ilalim ng kanyang Transitional Development Impact Fund o TDIF sa taong 2023 at ipinatupad sa tulong ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education BARMM.
Masayang mag tatapos naman umano ang bagong taon ayon kay Bai Monera Lauban at Abdullanan Guad dahil malaking tulong umano ang natanggap cash assistance.
Comments