P408K halaga ng suspected shabu, nasamsam ng PDEA BARMM sa buy-bust operation sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; 4 indibidwal, arestado sa operasyon!
- Teddy Borja
- Apr 22
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang alyas “Saudi”, 30 years old, isang alyas “Basher”, 32 years old at isang alyas “Muhedin”, 23 years old sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Kurbada, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, a-21 ng Abril.

Nakumpiska sa operasyon ang 60 gram ng pinaniniwalaang shabu na may estimated standard drug price na ₱408,000.00.

Narekober din ng otoridad ang buy-bust money, dalawang cellphone at motorsiklo.

Katuwang ng PDEA BARMM sa operasyon ang iba pang unit mula sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Haharap ang mga naarestong indibidwal sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments