P451M PROPOSED BUDGET NG MINISTRY OF FINANCE, BUDGET AND MANAGEMENT, APRUBADO NA SA COMMITTEE LEVEL
- Diane Hora
- Nov 28, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Kabilang sa mga isasalang na panukalang pondo sa deliberasyon sa plenaryo ng BTA Parliament ang proposed budget ng Ministry of Finance, Budget and Management na nagkakahalaga ng 451 million pesos para sa fiscal year 2024.

Ito’y matapos maaprove sa committee level ang proposed budget ng tanggapan.

Sa proposed fund ng ministry P238 million ang mapupunta sa flagship programs, tulad ng financial sustainability at revenue strengthening, expenditure management, at asset management.
Naglaan din ang MFBM ng P26.92 million para sa initial operations ng Bangsamoro Revenue Office, na itatatag sakaling maisabatas na ang Bangsamoro Revenue Code.
Kabilang din sa popondohan ng proposed budget ay ang P9.6 million para sa implementation ng electronic National Government Accounting Systems sa lahat ng local government units at iba pang tanggapan sa rehiyon na magpapahusay sa transparency at efficiency sa financial reporting at management.
May alokasyon din na P6.3 million sa pondo para suportahan ang Shari'ah courts, tugunan ang limited financial resources at tiyakin ang epektibong operations.
Comments