top of page

P5M PONDO, KALOOB MULI NG AMBAG SA MAIMBUNG DISTRICT HOSPITAL SA SULU PARA SA LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL SA MGA RESIDENTE SA LUGAR

  • Diane Hora
  • Nov 26, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Limang milyong piso na pondo ang kaloob muli ng AMBAG sa Maimbung District Hospital sa Sulu. Patuloy na pagtataguyod ito ng BARMM government sa pangakong accessible healthcare sa buong rehiyon.



Sa kabuuan, walong milyong piso na ang nailaan ng AMBAG sa pagamutan simula taong 2022. Umabot na rin sa isang libo, walong daan at isa ang benepisyaryo ng programa sa ospital.


Pinangunahan ni Deputy Program Manager Saharan Silongan ang turn over na isinagawa sa Zamboanga City.


Ang AMBaG ang isa sa mga flagship programs ng tangggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim na pinangangasiwaan ni BARMM Cabinet Secretary at Spokesperson Mohd Asnin Pendatun.


Ang programa ay patuloy na itinataguyod sa kabila ng Supreme Court Ruling na hindi na kabilang sa BARMM ang lalawigan ng Sulu.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page