P6.5 million halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng otoridad sa Tabina, Zamboanga del Sur lulan ng isang motorized banca; 6 indibidwal, arestado ng otoridad!
- Teddy Borja
- Apr 24
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsasagawa ng seaborn patrol operation ang Zamboaga del Sur Maritime Police Station at Tabina Municipal Police nang masamsam ang 6.5 million pesos na halaga ng ipinuslit na sigarilyo alas 2:35 ng madaling araw ng April 19.
Nasa kustodiya na ng Bureau of Customs ang mga nasamsam na kontrabando bilang ebidensiya.
Anim na indibidwal ang arestado sa operasyon na haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016 at RA 10643 o ang Graphic Health Warnings Law.
Comentarios