P6.9 million pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam ng otoridad sa Sirawan Checkpoint, Toril, Davao City; 2 lalaki na residente ng Zamboanga City at Jolo, Sulu, arestado!
- Teddy Borja
- Feb 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sakay ng pick-up ang mga suspek na minamaneho ng isang alyas “Mejan”, 46-anyos ayon sa report ng Toril Police Station 8, Davao City. Residente ito ng Zamboanga City.

Kasama nito ang 32-anyos na helper na residente ng Jolo, Sulu.

Pinigil ang kanilang sasakyan sa checkpoint na bahagi ng mandatory inspection.
Pareho umanong tumanggi ang mga ito sa laman ng box.
Base sa pahayag ng Toril Police Station sa kanilang press release, tinangka pa umano ng mga suspek na suhulan ang mga nakabantay na otoridad sa checkpoint para palusutin sila.
Nang magsagawa ng search, nadiskbure ang suspected shabu na may estimated na timbang na 1.020 kilos na pinaniniwalaang idi-deliver sa Davao City.
Nasa kustodiya na ng Toril Police Station ang mga naaresto para sa proper disposition at paghahanda sa kasong isasampa sa mga ito.
Comentarios