P9.4 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng otoridad sa checkpoint operation sa Calanogas, Lanao del Sur
- Teddy Borja
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

570 cases ng ipinuslit na sigarilyo laman ang 28,500 reams ang natagpuan sa loob ng wing van na walang plate number. Ayon sa otoridad mula ito sa Picong, Lanao del Sur at patungo ng Marawi City.
Arestado sa operasyon ang alyas “Al” at “Nor” nang walang maipakitang dokumento ang mga ito.
Nasa kustodiya na ng Calanogas Municipal Police Station ang mga naaresto at mga nasamsam na kontrabando.
Haharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.
Nakatakda namang iturn over sa Cagayan De Oro City Bureau of Customs ang mga kontrabando para sa proper disposition.
Comments