top of page

P94.41B PROPOSED BUDGET NG BARMM GOVERNMENT SA TAONG 2025, APRUBADO NA NG COMMITTEE ON FINANCE, BUDGET AND MANAGEMENT

  • Diane Hora
  • Dec 10, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Inaprubahan na ng Finance, Budget, and Management Committee ng BTA Parliament ang proposed 2025 Bangsamoro Expenditure Program (BEP) budget na P94.41 billion sa isinagawang committee meeting araw ng Lunes.



Mas mababa ito sa orihinal na proposal na P96.69 billion.



Ayon sa komite, popondohan ng approved budget ang mga proyekto, programa at aktibidad ng iba’t ibang ministries, agencies, at offices sa buong Bangsamoro Autonomous Region.



Naglaan din ng pondo ang komite para sa Sulu at tiniyak ang pagpapatuloy ng mga kasalukuyang proyekto sa probinsya habang pinaplantsa pa ng national govermment ang transition plan ngayong hindi na kabilang sa BARMM ang lalawigan.


Binigyang diin ni CFBM Chair Mary Ann Arnado ang mga key priorities ng Bangsamoro Government na nakatutok sa education system ng rehiyon, infrastructure, healthcare services, at social welfare programs, na naglalayong i-angat ang pamumuhay ng mga Bangsamoro.


Ngayong aprubado na ng komite ang proposed budget, ipipresenta na ito sa special plenary session ngayong linggo para sa deliberasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page