top of page

Pag-isyu ng NAC ng Safe Conduct Passes para sa mga amnesty applicants na saklaw ng proclamation nos. 403, 404, 405, at 406 series of 2023, pinahintulutan na ng Malacanang sa pamamagitan ng Memorandum

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 2 min read

iMINDSPH



Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ceremonial signing ng Memorandum Order No. 36 na nagbibigay ng pahintulot sa National Amnesty Commission na mag-isyu ng Safe Conduct Passes pabor sa amnesty applicants na saklaw ng proclamation nos. 403, 404, 405, and 406 series of 2023.



Isinagawa ang ceremonial signing alas 10:00 kaninang umaga sa 6th Infrantry Division, Camp Brigadier General Gonzalo Siongco, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.



Ayon sa Memorandum Order 36, marami sa mga rebelde at insurgents na saklaw ng mga nabanggit na proklamasyon ang nag-aalangan na mag-apply para sa amnestiya sa takot na sila ay arestuhin.



Upang hikayatin ang mga amnesty applicants na mag-avail sa amnesty program ng gobyerno, ayon sa MO, kinakailangan i-garantiya ang safe passage at kalayaan ng mga ito mula sa pag aresto habang isinasagawa ang evaluation at proseso ng kanilang amnesty application.



Sa ilalim ng Memorandum Order No. 36, isinasaad na -



Mag-iissue ang NAC ng SCPs sa amnesty applicants na hindi nakakulong at naghayag ng pagnanais na sumuko para mag-apply para sa amnestiya.


Ilan sa mga pribilehiyo ng SCP holder ay ang proteksyon mula sa pag-aresto at prosekusyon para sa krimen na saklaw ng Proclamations.


Ang kapangyarihan o pagsang-ayon ng prosecutors sa mga motions for suspension na maihain ng SCP holders sa alinmang proceeding para sa mga krimen na sakop ng subject Proclamations at suspensyon ng anumang reward para sa ikadarakip ng SCP holder.


Isinasaad din sa Memorandum Order ang limitasyon ng SCP


Ayon sa MO, ang Safe Conduct Pass ay hindi nagbibigay ng karapatan sa holder nito para mapalaya mula sa pagkakakulong alinsunod sa valid warrant of arrest.


Hindi rin nagbibigay ng karapatan ang SCP sa holder nito na mag-may-ari ng loose firearms at mga bala.


At hindi rin nangangahulugan na otomatikong magagawaran ng amnestiya ang isang aplikante na binigyan ng SCP.


Ino-otorisa din ang NAC na magpataw ng ibang conditions at limitations ng SCPs kung kinakailangan.


Bago ang issuance ng SCPs, ang NAC, sa pamamagitan ng Local Amnesty Boards nito, ay maaring mag issue ng Provisional Safe Conduct Passess (PSCPs) na magbibigay din sa amnesty applicants ng parehong karapatan, parehong kondisyon at limitasyon na tulad ng SCP holders.


Pero ang PSCPs ayon sa MO ay valid lamang ng non-extendible period na labinlimang araw mula sa petsa ng issuance.


Nakasaad naman sa section 4 na ang NAC ay magtatatag ng database management system ng lahat ng amnesty applicants na na-isyuhan ng SCPs at PSCPs.


Sa layuning ito, mahigpit na susundin ng NAC ang requirements ng data privacy sa ilalim ng Republic Act No. 10173 o ang "Data Privacy Act of 2012."


Para sa epektibong implementasyon nito, ayon sa MO, bibigyan ng kopya ng NAC ang Department of Justice, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines ng listahan ng SCP at PSCP holders.


Sa loob naman ng tatlumpong araw mula sa effectivity ng order, mag-i-issue ang NAC ng kinakailangang guidelines kabilang na ang Rules of Procedure para sa pagproseso ng SCPs at PSCs, at iba pang conditions at limitations ng SCPs at PSCPs na naayon sa kasalukuyang batas, rules at regulations.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page