top of page

PAGASA AT SAYA TULOY-TULOY NA HATID NI ONE MAGUINDANAO ELECTED VICE GOVERNOR BAI AINEE SINSUAT AT TIYAKAP DLS SA PAMASKONG HANDOG SA MGA KAPATID NA KRISTIYANO NGAYONG PASKO

  • Diane Hora
  • Dec 23, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Bida sa serbisyo, kaya bida pa rin sa paghahatid ng saya at pagasa ang TIYAKAP, Dedikasyon, Lakas at Serbisyo o TIYAKAP DLS at ng tanggapan ni One Maguindanao Vice Governor Bai Ainee Sinsuat sa kanilang pamaskong handog sa mga kapatid na Kristiyano.



Handog ng grupo ang Bigas, TV, Plantsa, Cellphone, Electric Fan, Rice Cooker, Grocery items, at iba pa, sa Saint Francis Episcopal church sa bayan ng Nuro, Upi.


Bukod sa Saint Francis, hatid din ng grupo ang saya at pagasa sa Our Lady of Fatima Chapel sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Taos puso ang kanilang pasasalamat sa opisyal at TIYAKAP DLS.


Ang hakbang ay bahagi ng isang mainit na pagbati ng pagmamahal at pagkakaisa ng opisyal sa mga kapatid na Kristiyano sa lalawigan.


Sa kabila ng pagkakaiba sa pananampalataya, ayon sa opisyal ang kabutihan at respeto ang patuloy na nagbubuklod sa lahat. Sama-sama aniyang ipagdiwang ang diwa ng Pasko—pagmamahal, kapayapaan, at malasakit para sa isa’t isa.


Nawa’y magdala aniya ang Bagong Taon ng mas marami pang pagpapala, bagong pag-asa, at isang mas matatag na komunidad para sa lahat.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page