top of page

PAGBUO NG OFFICE OF THE PRESIDENTIAL ADVISER FOR MARAWI REHABILITATION AND DEVELOPMENT, IPINAG UTOS NG MALACANANG

  • Diane Hora
  • Dec 5, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH

Sa ilalim ng Executive Order No. 78 na inisyu ng Malacañang, ipinag-utos ang pagbuo ng Marawi Rehabilitation and Development (OPAMRD) para sa pagpapabilis ng rebuilding ng Marawi City at mga kalapit nitong lugar.


Ito ay pamumunuan ng Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation o PAMR, na mapapasailalim naman sa kontrol at supervision ng Office of the Special Assistant to the President o OSAP.


Ilan sa katungkulan ng tanggapan ang pagpapabatid kay Pangulong Marcos Jr. ng lahat ng usapin o update na mayroong kinalaman sa rehabilitasyon, development, at restoration ng kapayapaan sa Marawi City.


Kabilang dito ang pangangasiwa, monitoring, coordination, at pagsasama-sama ng lahat ng istratehiya, programa, at proyekto, at makipag-ugnayan sa concerned LGUs para sa implementasyon ng mga programa, aktibidad, at proyekto na mayroong kinalaman sa Marawi City rehabilitation and development.


Pirmado ni Pangulong Marcos Jr. ang kautusan, a-28 ng Nobyembre, 2024.




 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page