PAGSASAPINAL SA P96.696B 2025 PROPOSED BUDGET NG BARMM, TINALAKAY NG FINANCE, BUDGET, AND MANAGEMENT COMMITTEE NG BTA
- Diane Hora
- Dec 6, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap ang Finance, Budget, and Management Committee ng BTA Parliament sa loob ng dalawang araw na pulong ang pagsasapinal ng proposed 2025 budget ng BARMM na nagkakahalaga ng 96.696 billion pesos.

Binigyang diin ni CFBM Chair Mary Ann Arnado na kinakailangan ang maingat na pagbalanse sa pagitan ng budgetary increases at pagpapanatili ng financial sustainability ng Bangsamoro government.

Sa ilalim ng 2025 proposed budget, ang mga priority sectors tulad ng education, health, infrastructure development, at social services ay patuloy na makatatanggap ng malaking parte ng pondo.

Matapos ang diskusyon ngayong araw, isusumite na sa Bangsamoro Parliament ang proposed budget para sa final approval.




Comments