PAGTANGGAL O PAGTALAGA NG MGA MIYEMBRO NG BTA PARLIAMENT, NAKASASALAY UMANO SA KAPANGYARIHAN NI PANGULONG FERDINAND MARCOS JR, MA POSTPONE MAN O HINDI ANG 1ST REGULAR ELECTION SA BARMM
- Diane Hora
- Dec 26, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Maaring palitan ang lahat ng miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament kabilang na ang Chief Minister ano mang oras kung nanaisin ng appointing authority. Ito ang sinabi ni Atty. Sha Elijah Dumama Alba matapos tanungin ng media sa ipinatawag na press conference ng MILG kung posibleng mapapalitan ang mga BTA members sa gitna ng isinusulong na resetting ng first regular election sa BARMM.
Ayon sa opisyal, ang pagtanggal o pagtalaga ng mga kakatawan sa BTA, mapalawig man o hindi ang transition period ay nasa kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Comments