PAMASKONG HANDOG NI ELECTED VICE GOVERNOR BAI AINEE SINSUAT, HATID ANG SAYA AT PAGASA KASAMA ANG TIYAKAP DLS
- Diane Hora
- Dec 18, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Walang pagsidlan sa saya ang pamunuan ng San Isidro Labrado, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte sa pamaskong handog ni Maguindanao elected vice governor Bai Ainee Sinsuat na isinasagawa sa kabuuan ng Misa de Gallo.
Ito ang handog na
Bigas..
TV…
Plantsa…
Cellphone…
Electric Fan…
Rice Cooker….
Grocery items
At iba pa…
Taos puso ang kanilang pasasalamat sa patuloy na paghahatid ng saya at pagasa ng opisyal at TIYAKAP DLS sa iba’t ibang chapel at simbahan sa probinsya.
Bukod sa San Isidro Labrador Chapel, parehong saya rin at pagasa ang hatid ng TIYAKAP DLS at ng bise gobernador ng One Maguindanao sa Boromeo church sa Bruce Tamontaka.
Ang hakbang ay bahagi ng isang mainit na pagbati ng pagmamahal at pagkakaisa ng opisyal sa mga kapatid na Kristiyano sa lalawigan
Sa kabila ng pagkakaiba sa pananampalataya, ayon sa opisyal ang kabutihan at respeto ang patuloy na nagbubuklod sa lahat. Sama-sama aniyang ipagdiwang ang diwa ng Pasko—pagmamahal, kapayapaan, at malasakit para sa isa’t isa.
Nawa’y magdala ang Bagong Taon ng mas marami pang pagpapala, bagong pag-asa, at isang mas matatag na komunidad para sa lahat.
Comments