PAMILYA NG NAPASLANG NA SI PMSGT JOHN MICHAEL BONGCAWIL, HUMIHINGI NG HUSTISYA SA KARUMAL-DUMAL NA PAGPATAY SA PULIS
- Teddy Borja
- Dec 5, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Hustisya ang sigaw ng pamilya Bongcawil sa pagpatay kay Police Master Sergeant John Michael Bongcawil. Ayon sa ina ng pulis na isa sa mga nakasaksi sa krimen, karumal dumal ang ginawa sa kanyang anak. Himutok din ng pamilya ang mga kumuha ng video at mga naglive pa imbes na tulungan sila sa kanilang sinapit.

Binaril si PMSgt John Michael Bongcail gabi noong Linggo, December 1 sa parking lot ng City Mall sa lungsod ng Cotabato.

Sa pinakahuling impormasyon mula kay PNP PRO BAR Regional Director Romeo Macapaz, hawak na nila ang ilang cctv footage sa lugar na makakatulong umano sa imbestigasyon ng kaso.
Sinabi rin ng heneral na tatlong motibo ang kanilang mahigpit na tinututukan na may kinalaman aniya sa trabaho ng nasawing pulis.
Comments