top of page

PANUKALA HINGGIL SA KONSTRUKSYON NG 4 BAGONG OSPITAL SA TAWI-TAWI, LANAO DEL SUR AT MAGUINDANAO DEL NORTE, APRUBADO NA NG BTA PARLIAMENT

  • Diane Hora
  • Dec 13, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Isa isang bumuto ang 52 lawmakers na present sa special session ng Bangsamoro Transition Authority Parliament sa Maynila, araw ng Huwebes, December 12, hinggil sa Parliament Bill Nos. 99, 123, 139 at 257.



Sa ilaim ng BTA Bill No. 99, itatayo ang 50-bed level I general hospital sa South Ubian, Tawi-Tawi.


Sa ilalim naman ng BTA Bill No. 123, magtatayo ng Pura Municipal Hospital sa Barangay Pura, Datu Blah T. Sinsuat, Maguindanao del Norte na isang 25-bed capacity na pagamutan.


Ang Parliament Bill No. 139 ay ang pagkakaroon ng level 1 General Hospital sa Northern Kabuntalan.


Habang ang Parliament Bill No 257 ay ang konstruksyon ng Aleem Abdulazis S. Mimbantas Memorial Hospital sa Masiu, Lanao del Sur, na isang 50-bed general hospital.


Nagpapasalamat naman si Committee on Health Chair MP Hashemi Dilangalen sa approval ng mga proposed measures na tiyak niyang makakatulong ng malaki sa mga residente sa mga nabanggit na mga bayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page