Panukala hinggil sa pagbibigay ng 7 days forfeitable bereavement leave kada taon para sa mga empleyado sa pribado at pampublikong sektor sa BARMM, aprubado na sa second reading
- Diane Hora
- Feb 18
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy ang pag usad ng Parliament Bill Nos. 270 at 281 o ang panukalang pagbibigay ng 7 days forfeitable bereavement leave kada taon para sa mga empleyado sa pribado at pampublikong sektor sa BARMM.
Aprubado na sa second reading ang mga panukalang batas na isinusulong nina Members of Parliament Romeo Sema at Abdullah Hashim.
Ang proposed measures ay magbibigay ng paid leave sa mga employees kasunod ng pagpanaw ng kanilang immediate family member, kabilang ang asawa, biological o adoptive parents o legal guardians, children o legal wards, parents-in-law, at full-blood siblings.
Masaya naman ang mga empleyado sa rehiyon sa pag-usad ng mga nasabing panukalang batas.
Applicable ang leave sa lahat ng empleyado anuman ang employment status nito.
Ang Parliament Bill Nos. 270 at 281 ay lumusot sa second reading via viva voce.
Comments