Panukala na gawing 25 bed capacity hospital ang Datu Alawaddin T. Bandon, Sr. Memorial Hospital sa Sibutu, Tawi-Tawi, aprubado na ng Committee on Health
- Diane Hora
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pagdinig ng Committee on Health, araw ng Miyerkules, January 29-

Inaprubahan ng komite ang panukalang i-upgrade ang Datu Alawaddin T. Bandon Sr. Memorial Hospital sa Sibutu, Tawi-Tawi at gawing 25 bed capacity mula sa kasalukuyan na pagiging 10 bed capacity ng pagamutan.

Ang pagamutan ay nasa southernmost part ng bansa, hindi lamang ang mga residente ng Sibutu ang pinagsisilbihan ng pagamutan kundi pati na rin ang mga residente ng Sitangkai.

Ang dalawang bayan ay mayroong kabuuang 71,000 na populasyon.

Malaking hamon din ang pagpagamot ng mga residente sa malalayong barangay na kinakailangan pang bumiyahe sa dagat ng ilang oras.

Bukod sa nasabing panukalang batas,
Tinalakay din ng komite ang Parliament Bill No. 246, na naglalyon na i-convert ang Iranon District Hospital sa Parang, Maguindanao del Norte, sa isang provincial hospital.
Sa pulong, binigyang diin ang kahalagahan ng pag- upgrade ng medical facilities upang makamit ang established standards, at matiyak na magkakaroon ng access sa quality health services ang mga Bangsamoro.
Pinagtibay din ng komite ang isang resolusyon na naghihikayat sa lahat ng BARMM ministries at offices na magbigay ng annual mental health examinations sa lahat ng government employees.
Isa pang resolusyon ang pinagtibay ng Committee on Health hinggil sa pagpapalakas ng tuberculosis elimination program sa BARMM.
Comments