top of page

PANUKALA NA GAWING LEVEL III HOSPITAL ANG MAGUINDANAO PROVINCIAL AT MAGING IBADAH-FRIENDLY HOSPITALS ANG MGA PAGAMUTAN SA REHIYON, ISINUSULONG SA BTA PARLIAMENT

  • Diane Hora
  • Dec 19, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Ipinapanukala na magiging Level III na pagamutan ang Maguindanao Provincial Hospital. Ito ay sa ilalim ng Parliament Bill No. 225.



Mula sa pagkakaroon ng 299 beds ng ospital, isinusulong na gawin na 350 beds ang kapasidad nito.


Binigyang diin ni Maguindanao Provincial Health Officer Mohammad Ariff Baguindali, kinakailangan ang dagdag na hospital beds upang makapagsilbi sa 1.4 million mamamayan ng probinsya.


Hangarin din ng Committee on Health sa isinusulong na BTA Bill No. 302 na gawing ibadah-friendly ang lahat ng regional hospitals sa BARMM.


Ang dalawang panukala ayon kay MP Hashemi Dilangalen, ang chairperson ng Committee on Health ay mahalaga hindi lamang para mas makapagsilbi pa sa maraming pasyente, mapapahusay din ang serbisyo ng mga pagamutan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page