top of page

Panukalang batas hinggil sa pagkakaroon ng government-run center para sa mga indibidwal na may autism spectrum disorder o ASD, isinusulong ni MP Baintan Ampatuan

  • Diane Hora
  • Apr 22
  • 2 min read

iMINDSPH


Inihain ni MP Baintan Ampatuan ang Parliament Bill No. 354 o ang Bangsamoro Center for Autism Spectrum Disorder Act.


Nilalayon nito ang pagkakaroon ng government-run center sa ilalim ng Ministry of Health.


Sakaling maisabatas, hatid ng center ang libreng physical, occupational, at speech therapy; psychosocial support; parent training; educational programs; at vocational assistance para sa mga adults na may ASD.


Ayon sa mga may akda ng batas, ang halaga ng private therapy sa BARMM ay nasa P500 hanggang P1,500 kada session.


Kabilang din sa isinasaad sa panukalang batas ang rights-based protections, kabilang na ang pag-ban sa forced medical treatment nang walang pahintulot ng magulang at strict confidentiality ng medical records para sa mga na-diagnosed ng ASD.


Pangungunahan din ng center ang awareness campaigns at community education efforts na naglalayong mapababa ang stigma at mapabuti ang public understanding ng autism.


Nakasaad sa panukalang batas ang pag atas sa Ministry of Health at Ministry of Basic, Higher, at Technical Education sa pag draft ng 10-year strategic plan para mapalawak ang autism care, education, at community support sa rehiyon.


Ang Autism spectrum disorder ayon sa National Institute of Mental Health ay isang neurological at developmental condition na apektado ang communication, learning, behavior, at interaction.


Base sa pagtaya ng World Health Organization 1 kada 100 mga bata sa buong mundo ang nasa autism spectrum. Sa Pilipinas, ang kaso ng autism ay dumoble sa nakalipas na dekada at malapit na sa isang milyon ayon sa Department of Health.


Co-authors ng panukalang batas sina MPs Sittie Fahanie Uy-Oyod, Khalid Hadji Abdullah, Laisa Alamia, Suharto Ambolodto, Don Mustapha Loong, Rasul Ismael, Rasol Mitmug Jr., Tawakal Midtimbang, Jaafar Apollo Mikhail Matalam, at Michael Midtimbang.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page