Panukalang batas na nagmamandatong isama ang Bangsamoro history sa secondary education curriculum sa lahat ng public at private schools sa BARMM, sumalang na sa first reading ng BTA Parliament
- Diane Hora
- May 30
- 1 min read
iMINDSPH

Ang pag-institutionalize sa pagtuturo ng Bangsamoro History sa lahat ng secondary schools sa buong BARMM ang nilalayon ng Parliament Bill No. 360, o ang Bangsamoro History Studies Act of 2025.
Sumalang na sa first reading ang panukalang batas sa BTA Parliament.
Tinitiyak ng proposed measure na ang lahat ng high school students sa BARMM ay magkakaroon ng formal education hinggil sa history, struggles, at heritage ng Bangsamoro people.
Sakop nito ang mga paksa hinggil sa Bangsamoro struggle para sa self-determination, local Islamic sultanates, at mga mahalagang kaganapan na humulma sa rehiyon.
Sa ilalim ng proposed bill ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education ang magiging responsable sa pagdevelop at pag-implementa ng bagong subject, kabilang na ang paglikha ng learning materials at pagsasanay ng mga guro teachers.
Isa sa mga may akda ng panukala si Deputy Speaker Baintan Ampatuan, kasama sina Members of the Parliament Don Mustapha Loong, Rasul Ismael, at Rasol Mitmug Jr. bilang principal authors.
Comments