top of page

PANUKALANG GAWING 57 YEARS OLD ANG COMPULSORY RETIREMENT AGE NG MGA OFFICER AT NON-OFFICER NG PNP, APRUBADO NA NG KAMARA

  • Teddy Borja
  • Dec 6, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Inaprubahan na ng House Committee on Public Order and Safety ang House Bill 11140 na naglalayong gawing 57 years old ang compulsory retirement age sa mga officer at non-officer personnel ng Philippine National Police mula sa edad na 56 years old.


Principal author ng panukala si Speaker Martin Romualdez, ayon sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.


Aamyendahan nito ang Republic Act 6975 o Department of the Interior and Local Government Act of 1990.


Nagpahayag naman ng suporta si NAPOLCOM, Vice Chairperson and Executive Officer, Attorney Ricardo Bernabe III sa panukala.


Aniya hindi makakaapekto sa Police performance ang dagdag na isang taon sa serbisyo. Ayon sa report, Katunayan sa kanilang pag-aaral, nasa 60 years old ang retirement age ng mga pulis sa mga bansa gaya ng UK, Vietnam, at Australia.


Naniniwala rin si Civil Security Group director Police Maj. Gen Edgar Alan Okubo na makatutulong ang panukala para ma-maximize ng PNP ang kaalaman at kasanayan ng mga tauhan nito.


Sa inaprubahang bersyon ng komite ay isinama na rin ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page