top of page

PANUKALANG PAG AMYENDA SA SECTION 5 NG BANGSAMORO AUTONOMY ACT NOS. 54 AT 55, APRUBADO NA NG BTA PARLIAMENT

  • Diane Hora
  • Dec 13, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Bumuto pabor sa pag apruba sa BTA Bill Nos. 332 at 333 ang apatnapu’t tatlong mambabatas ng BTA Parliament sa huling araw ng kanilang special session sa Maynila, araw ng Huwebes, December 12.



Ang mga panukalang batas ay hinggil sa pag amyenda sa Section 5 ng Bangsamoro Autonomy Act Nos. 54 at 55.


Ang BAA 54 at 55 ay ang mga batas kaugnay sa pagtatatag ng mga bayan ng Datu Sinsuat Balabaran at Sheik Abas Hamza mula sa mother municipality na Datu Odin Sinsuat.


Matatandaan na deniklara ng Supreme Court na unconstitutional ang section 5 ng dalawang batas.


Ayon sa Korte Suprema, dapat ay lahat ng residente ng Datu Odin Sinsuat ang tatanungin kung pabor ang mga ito sa pagtatatag ng dalawang panibagong bayan at hindi lamang ang mga residente sa mga barangay na mapapasailalim sa dalawang itatatag na munisipyo.


Kapag naratipikahan ang mga batas na ito sa pamamagitan ng plebesito-


Mapapasakop ng Datu Sinsuat Balabaran ang mga barangay ng Awang, Capiton, Dinaig Proper, Dulangan, Linek, Mompong, Tambak, Tamontaka, Tanuel, Tapian, at Semba.


Habang sa Sheik Abas Hamza mapapasakop ang mga barangay ng Baka, Bitu, Bugawas, Kurintem, Labungan, Makir, Margues, Sapalan, Sifaran, at Taviran.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page