top of page

PANUKALANG RESETTING NG BARMM ELECTION, SUPORTADO NG 4 GOBERNADOR NG BARMM; SULAT PASASALAMAT SA PAGHAHAIN NG SENATE BILL 2862, IPINADALA RIN NG MGA GOBERNADOR KAY SENATE PRESIDENT CHIZ ESCUDERO

  • Diane Hora
  • Nov 22, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Naglabas ng Joint Statement si Basilan Governor Jim Hataman Salliman, Tawi-Tawi Governor Yshmael Sali, Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong at Maguindanao del Norte Governor Abdulraof Macacua na humihikayat at nananawagan hinggil sa resetting ng BARMM elections.



Pirmado ng apat na gobernador ang pahayag.



Ang hakbang ay kasunod ng exclusion ng Sulu sa BARMM base sa inilabas na desisyon ng Supreme Court.



Binigyang diin ng mga gobernador ang pagtataguyod sa integridad ng BOL kung saan taliwas umano sa isinasaad sa batas ang pagkakaroon ng 73 members ng parliament matapos hindi mapabilang ang Sulu na mayroong 7 parliamentary districts.


Nawala rin anila ang tinatawag na equitable representation. Mas mabibigyan rin ng sapat na panahon ang legal at administrative challenges matapos ang naging desisyon ng Korte Suprema. Dagdag pa anila ang pagtatatag ng Kutawato Province sa Special Geographic Unit.


Kinakailangan din anila ang sapat na panahon at masusing pagpaplano, voter education, gayudin ang mahigpit na koordinasyon sa mga stakeholders sa usapin ng credible at inclusive electoral process.


Nagpadala rin ng sulat ang mga gobernador laman ang pasasalamat kay Senate President Chiz Escudero sa paghahain ng Senate Bill 2862.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page