PASAHERO NG PAYONG-PAYONG, PATAY, DRIVER SUGATAN SA VEHICULAR ACCIDENT SA DE MAZENOD AVENUE, COTABATO CITY
- Teddy Borja
- Dec 26, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Patay ang 16-anyos na pasahero ng payong-payong na si Datu Manot Akil Sulaiman sa vehicular accident na naitala pasado alas onse ng gabi noong bisperas ng pasko sa De Mazenod Avenue, Cotabato City.
Sugatan naman ang driver ng payong-payong na si Mohammad Pinagayao.
Residente ng Shariff Kabunsuan, Rosary Heights III ng lungsod si Sulaiman habang residente naman ng Rosary Heights III si Pinagayao.
Patungo sa direksyon ng norte ang payong-payong at isang SUV nang mangyari ang aksidente kung saan damay pa ang nakaparadang kotse sa lugar.
Dinala pa sa pagamutan ang pasahero ng payong-payong pero dineklara itong dead on arrival ng attending physician.
Comments