iMINDSPH

Sa ibinahaging impormasyon ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, napagkasunduan ng lokal na pamahalaan at Schools Division Office ng lungsod ang pagkansela ng face-to-face classes sa K to 12 sa pribado at pampublikong paaralan.
Sa kolehiyo, ipinapaubaya na ng alkalde sa mga pamunuan ng paaralan ang pagdeklara kung may pasok o wala pero hinihikayat ni Mayor Matabalao ang pagkansela ng face-to-face classes hangga’t maari.
Para aniya ito sa kapakanan ng mga guro at mag-aaral lalo na ang mga nag-aayuno sa panahon ng Ramadan.
Tumalima naman sa panawagan ang Notre Dame University na wala munang face-to-face classes ngayon araw pero tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng online at asynchronous classes.
Ayon sa report ng PAGASA, inaasahang aabot ng 42 degrees celsius ang heat index sa lungsod ngayong araw hanggang bukas.
Comments