top of page

Patay, 8 Sugatan Matapos Bumangga sa Metal Road Railings ang Kanilang Sinasakyan sa Mlang-Matalam National Highway, Barangay Central Malamote, Matalam Cotabato

  • Teddy Borja
  • Jan 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Tatlo ang patay at walo ang sugatan matapos bumangga sa metal road railings ang isang multicab sa Mlang-Matalam national highway, Matalam, Cotabato.


Dead on the spot si Almira Pillado at Michelle Pillado-

binawian naman ng buhay sa pagamutan si Elizabeth Garboza-

habang sugatan ang sundalo na si Dennis Pillado at pitong iba pa.


PATAY SA AKSIDENTE

Almir Pillado

Michelle Pillado

Elizabeth Garboza


SUGATAN SA ASKIDENTE

Dennis Pillado

Zian Acepeda 5 years old

Shiela Mae Geronca Pillado 7 years old

Trisha Jean Pillado 10 years old

Christopher Pillao

Ryan Alcaide 14 years old

Homanay

Raymon Alcaide 38 years old


Bumangga sa railings ng daan ang kanilang sinasakyang multicab a-uno ng Enero, 2025 sa National Highway Barangay Central Malamote, Matalam, Cotabato.


Minamaneho ni Dennis Pillado ang sasakyan ng mangyari ang insidente.


Mula sa Malamote ang mga biktima at patungo ng President Roxas nang mawalan umano ng kontrol ang driver at bumangga ang sasakyan.


Rumisponde sa pinangyarihan ng aksidente ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.


Dinala sa Mlang District Hospital at Amas Provincial Hospital ang mga biktima.





 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page