top of page

PDEA BARMM, ITINANGGI NA MGA TAUHAN NILA ANG TINAMBANGAN SA LAMITAN CITY, BASILAN; AHENSIYA, MARIIN NA KINONDENA ANG AMBUSH

  • Diane Hora
  • Dec 24, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Naglabas ng official statement si PDEA BARMM Regional Director Gil Castro hinggil sa nangyaring ambush sa Lamitan City, Basilan, kagabi.



Ayon sa opisyal, hindi nila mga tauhan ang mga biktima taliwas sa mga kumakalat na impormasyon sa social media.


Mahigpit naman na kinondena ng PDEA BARMM ang ambush. Nagpaabot din ang ahensiya ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.


Hinimok din ng PDEA BARMM ang sinumang may impormasyon kaugnay sa insidente na lumantad at tumulong sa imbestigasyon.


Base sa report tatlo ang nasawi sa pananambang.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page