Performance evaluation ng mga departamento ng Maguindanao del Norte Provincial Government, sinimulan na; Provincial Engineering at Assessor’s Office, unang sumalang
- Diane Hora
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sumalang sa performance evaluation at accomplishment report ang Provincial Engineering Office at Provincial Assessor’s Office araw ng Huwebes.
Inilatag ng mga tanggapan ang mga napagtagumpayan at mga ipinatutupad na programa at proyekto simula taong 2023, 2024 hanggang 2025.
Ang hakbang ay bahagi ng nilalaman ng unang Memorandum Order na inisyu ni Governor Datu Tucao Mastura nang maupo ito sa pwesto.
Ang Maguindanao provincial government ay binubuo ng labinlimang departamento. Aasahan naman ang ibang tanggapan na magpresinta ng kanilang accomplishment at sasailalim sa evaluation performance sa susunod na linggo.
Commentaires