top of page

PERSONAL GRUDGE, PINANINIWALAANG MOTIBO SA PAMAMARIL PATAY SA ISANG CONSTRUCTION WORKER SA POBLACION 9, COTABATO CITY

  • Teddy Borja
  • Dec 27, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Pinagbabaril ang 44-anyos na construction worker na si Ariel Matas Sumalpong, alas 3:15 kahapon ng hapon sa Diversion Road, Poblacion 9, Cotabato City.



Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan si Sumalpong. Pitong basyo ng bala ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen na pinaniniwalaang mula sa caliber 45.



Ayon sa Cotabato City PNP, naka backride sa isang motorsiklo ang biktima. Dagdag ng otoridad na base sa pahayag ng mga testigo, ang driver umano ng motorsiklo ang bumaril sa biktima.



Personal grudge ang pinaniniwalaang motibo sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page