Php 44.4 million suspected shabu, nasamsam sa Panabo City sa isinagawang joint anti-illegal drug operation; Top 1 at Top 3 Regional Level drug personalities, arestado sa operasyon!
- Teddy Borja
- Feb 17
- 1 min read
iMINDSPH

44.4 million pesos na halaga ng suspected shabu ang nasamsam ng otoridad sa inisagawang anti-ililegal drugs operation sa Panabo City.

Nasamsam ng otoridad ang 6.537 kilos ng suspected shabu na nagkakahalaga ng Php 44,451,600-

sa ikinasa na joint anti-illegal drug operations sa Oakwood Residence Purok 2, Barangay New Visayas, Panabo City, Davao del Norte, ala 6:30 umaga, a-15 ng Pebrero.
Nasamsam din sa operasyon ang animi na zip-sealed transparent plastic bags na naglalaman ng white crystalline substances na pinaniniwalaang shabu, walong transparent plastic sachets ng suspected shabu, buy-bust money at isang cellular phone.
Arestado sa operasyon ang Top 1 at Top 3 Regional Level drug personalities.
Nasa kustodiya na ng Pnp DavNor Panabo , Davao Norte Police Provincial Office ang mga naaresto para sa proper disposition.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga suspek.
Comments