top of page

Php1.3-M halaga ng suspected shabu, nasamsam ng PDEA Region 9 sa Zamboanga City; Tricycle driver, arestado sa operasyon!

iMINDSPH


Ikinasa ang buy-bust ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 9 sa pakikipagtulungan ng PNP Drug Enforcement Group at Regional Mobile Force Battalion 9, araw ng Martes, March 11, 2025, ganap na alas 11:43 ng umaga sa Villalobos Street, Barangay Zone IV, Zamboanga City.



Nakuha sa suspek na residente ng Barangay Mampang ang kabuuang 200 gramo ng pinaniniwalaang shabu.



Nasamsam din sa operasyon ang buy-bust money at motorsiklo.



Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page