top of page

Pick up, wasak; bus, nayupi ang harapang bahagi sa naganap na vehicular accident sa national highway ng Barangay Alamada, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Jan 28
  • 1 min read

iMINDSPH



Ito ang kinahinatnan ng isang pick up at bus ng Mindanao Star Bus company sa naganap na vehicular accident alas 5:10 ng umaga kanina sa national highway ng Barangay Alamada, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.


Wasak ang pick up na ayon sa report ng Sultan Kudarat Municipal Police ay minamaneho ng isang nagngangalang Adzma Paraji, residente ng Zamboanga City.


Sugatan si Paraji kasama ang sakay nito na si Hawai Alnedzman na residente rin ng syudad ng Zambaonga.


Minamaneho naman ni Nursisi Talusob ang bus.


Base sa inisyal na imbestigasyon, mula Davao City ang bus at patungo sa Cotabato City habang mula naman sa lungsod ang pick-up at patungo sa direksyon ng Cotabato Province nang mangyari ang insidente.


Agad dinala sa Cotabato Regional and Medical Center ang mga biktima habang parehong pansamantalang kinustodiya ng barangay tanod ang mga sasakyang sangkot sa insidente.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa naganap na vehicular accident.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page