top of page

PMSGT JOHN MANUEL BONGCAWIL, INIHATID NA SA KANYANG HULING HANTUNGAN; HUSTISYA, SIGAW PA RIN NG PAMILYA NG NASAWING PULIS

  • Teddy Borja
  • Dec 11, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Inihatid ngayong araw sa kanyang huling hantungan si Police Master Sergeant John Manuel Bongcawil sa Mariam Hills Memorial Park sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.



Suot ng pamilya at mga kaanak ng pulis ang puting t-shirt kung saan naka print ang mukha nito sa harapan at salitang Justice For Bongcawil naman ang nakasulat sa likod ng damit.



Dagsa ang mga nakiramay at nakidalamhati sa pamilya ng nasawing pulis mula sa PNP PRO BAR na pinangunahan ni Maguindanao del Norte Provincial Acting Police Director, PCOL Joel Estaris.



Binaril si Bongcawil sa parking lot ng City Mall sa lungsod ng Cotabato sa harap mismo ng kanyang anak, asawa, ina at kapatid.



Sa pinakahuling impormasyon mula sa Cotabato City Police Office, mayroon nang tatlong testigo sa krimen.

 
 
 

Σχόλια

Βαθμολογήθηκε με 0 από 5 αστέρια.
Δεν υπάρχουν ακόμη βαθμολογίες

Προσθέστε μια βαθμολογία

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page