PPOC COTABATO NA PINAMUMUNUAN NI GOV. LALA TALIÑO MENDOZA, NAGPULONG AT TINALAKAY ANG USAPIN SA ELECTION GUN BAN AT PROVINCIAL JOINT SECURITY CONTROL CENTER
- Diane Hora
- Jan 8
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap araw ng Lunes, January 6 ang Provincial Peace and Order Council ng Cotabato na pinamumunuan ni Governor Lala Taliño Mendoza.

Tinalakay sa pulong ang mga usapin hinggil sa Election Gun Ban at pagtatag ng Provincial Joint Security Control Center P-J-S-C-C.

Mula ngayong Linggo, January 12 hanggang June 11, 2025 ang itinakda na Election Gun Ban period ng COMELEC para sa halalan ngayong darating na Mayo.

Sa meeting, sinabi ni Cotabato Provincial Police Director PCol Gilberto Tuzon na nagkaroon na ng inisyal na mga pagpupulong para sa pagtatatag ng Provincial Joint Security Control Center.
Makakatulong aniya ito para sa matagumpay na pagtataguyod ng mga aktibidad kaugnay sa halalan 2025.
Inilatag din ni Cotabato Provincial Election Supervisor Atty. Myla Luna ang mga polisiya at guidelines na dapat sundin ng mga lokal na pamahalaan.
Comments