top of page

PRESIDENTIAL DIRECTIVE HINGGIL SA PATULOY NA PAGHAHATID NG SERBISYO SA LALAWIGAN NG SULU, MALUGOD NA TINANGGAP NG BARMM GOVERNMENT

  • Diane Hora
  • Nov 22, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Naghayag ng malugod na pagtanggap ang Bangsamoro Government sa inilabas na Presidential Directive PBBM-2024-1244 ng Office of the President sa pamamagitan ng tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin kaugnay sa patuloy na paghahatid ng government services sa Sulu kasunod ng Supreme Court decision na hindi na kabilang ang lalawigan sa rehiyon.


Sa inilabas na Official Statement ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, sinabi ng opisyal na nananatiling nakatuon ang gobyerno ng rehiyon sa karapatan at kapakanan ng mga mamamayan ng Sulu.


Katunayan aniya kabilang pa rin ang Sulu sa mga programa, aktibidad at proyekto ng BARMM para sa susunod na taon sa ilalim ng Bangsamoro Expenditure Program o BEP 2025.


Nagpapasalamat naman ang opisyal sa maagap na pagtugon ng Office of the President sa usapin. Umaasa ang BARMM Government na mareresolba pabor sa Bangsamoro ang hinihaing motions for reconsideration sa Supreme Court kaugnay sa usapin ng Sulu.


Tiniyak naman ng opisyal na ipatutupad ang direktiba sa tulong ng Department of Budget and Management.


Sa gitna ng mga hamon sa usaping ito, nanawagan si Chief Minister Ebrahim sa lahat ng sektor ng pagkakaisa at kooperasyon at protektahan ang mga napagtagumpayan ng kapayapaan at kaunalaran sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page