iMINDSPH
Namahagi ang Project TABANG ng hygiene kits sa Female Dormitory ng Cotabato City Jail. Bahagi ito ng pakikiisa ng programa sa Correctional Consciousness Week o NACOCOW.
Tema ngayong taon, “Makataong Pakikitungo, Matinong Pamumuno at Matatag na Prinsipyo tungo sa Maunlad na Serbisyong Pampiitan”.
Ang NACOCOW ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 551, series of 1005, na nagdedeklara sa ikatlong linggo ng Oktubre bilang National Correctional Consciousness Week na naglalayon na maiangat pa ang level ng consciousness at isulong ang awareness sa public at private sectors sa kalagayan ng mga Persons Deprived of Liberty
Ang taunang observance ay nakatuon sa pag angat pa sa kamalayan hinggil sa karapatan, rehabilitation at reintegration ng PDLs.
Dumalo sa event si Health Ancillary Services Head Sittie Majadiyah Omar, at Project Development Officer Yasser Datucabile kasama si Cotabato City Jail-Female Dorm Head JInsp. Cherry Durante, Sanitarium and General Hospital Internal Medicine Dr. Mangontawar Daing, at Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) Dermatologist Dr. Portia Charisma Ruth A. Ortiz.
Comments