PROPESYONALISMO DAPAT MANGIBABAW SA HANAY NG MILITAR AYON KAY AFP CHIEF OF STAFF GENERAL ROMEO BRAWNER JR; MGA SUNDALONG GUSTO ANIYANG SUMAWSAW SA PULITIKA, HINAMON NA MAGHUBAD NG UNIPORME
- Diane Hora
- Nov 28, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Dapat mangibabaw ang propesiyonalismo sa hanay ng militar.
Ito ang iginiit ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr sa report ng Radyo Pilipinas.
Ito’y sa gitna ng ingay sa politika gayundin ang paghimok sa mga sundalo na talikuran ang kasalukuyang administrasyon.
Sinabi ng heneral sa report sa isinagawang Leadership Summit sa Kampo Aguinaldo, na ang tanging trabaho ng mga sundalo ay protektahan ang Pilipinas, ang teritoryo nito, gayundin ang mga Pilipino at karapatan ng mga ito.
Binigyang-diin ng AFP chief sa report na wala nang puwang sa panahong ito ang mga pag-aaklas na isang aral na lamang ng nakalipas.
Sa ibinahaging report, hinamon din ng heneral ang mga sundalo na nais sumawsaw sa pulitika na maghubad na lamang ng uniporme.
Comments