PROYEKTONG BAYWALK NG TANGGAPAN NI CONG. BAI DIMPLE MASTURA, BUKAS NA SA PUBLIKO
- Diane Hora
- Dec 9, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Opisyal nang binuksan sa publiko ang BayWalk Project ng tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura sa Barangay Poblacion 7, Cotabato City.

Nagsisilbi itong flood control structure na tutulong upang di na lumubog sa baha ang nasabing barangay.

Bukod sa flood mitigating structure, maari ring gamitin ito ng publiko sa pagja-jogging, pook-pasyalan, at iba pa.

Ito ay isa lamang sa marami pang infrastructure project ng KongresistaNgMasa sa kanyang distrito.
Comments