PUBLIC HEARING HINGGIL SA BTA BILL NOS. 302 AT 225, IKINASA NGAYONG ARAW SA DATU HOFFER AMPATUAN, MAGUINDANAO DEL SUR
- Diane Hora
- Dec 17, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Gumulong ngayong araw ang pagdinig hinggil sa Parliament Bill No. 225, o ang Maguindanao Provincial Hospital Upgrading Act of 2023, at Parliament Bill No. 302, o ang Ibadah Friendly Hospital Act.

Isinagawa ang public hearing sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur ngayong araw na pinangunahan ni MP Dr. Hashemi Dilangalen.
Sa ilalim ng PB No. 225 ipinapanukalang gawin ng third-level facility na mayroong 350-bed capacity ang Maguindanao Provincial Hospital habang sa ilalim naman ng PB No. 302, na maging accredited ang lahat ng ospital sa buong rehiyon bilang “ibadah friendly”
Dumalo sa pagdinig ang iba’t ibang stakeholders, kabilang na ang mga healthcare professionals, religious leaders, at local government officials.
Comments