Public hearing kaugnay sa pagtatatag ng 50-Bed Capacity Bangsamoro People General Hospital sa Special Geographic Area, ikinasa na ng Committee on Health ng BTA Parliament
- Diane Hora
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Isinusulong sa BTA Parliament ang BTA Bill 312 o ang pagtatatag ng 50-bed Capacity Bangsamoro People General Hospital sa Special Geographic Area o SGA.
Ngayong araw, isinagawa ang public hearing hinggil sa panukalang batas sa Midsayap, Cotabato.
Dumalo sa pagdinig ang mga residente ng Nabalawag, Tugunan, Ligawasan, Kadayangan.
Inilatag rin ng mga residente ang kanilang suhestiyon kaugnay sa proposed measure.
Nakasaad sa panukalang batas na mapapasailalim sa supervision ng Ministry of Health ang pagamutan.
Ang pondo para sa ipinapanukalang ospital ay isasama sa Bangsamoro Appropriations Act.
Magpapatuloy ang pagdinig at public consultation hinggil sa proposed bill sa mga susunod na araw.
Comments