top of page

Ramadan Iftar, ipinamahagi ni Mayor Datu Lester Sinsuat at Tiyakap Foundation Head, Maguindanao Vice Gov. Bai Ainee Sinsuat sa iba’t ibang masjid sa bayan

  • Diane Hora
  • Mar 21
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa pangunguna nina Mayor Datu Lester Sinsuat at ang Ina ng Tiyakap Foundation, Maguindanao Vice Gov. Bai Ainee Sinsuat, matagumpay na isinagawa ang Ramadan Iftar Giving bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta at pagbibigay-serbisyo sa komunidad lalo na ngayong banal na buwan ng Ramadan.



Sa pamamagitan ng programang ito, naglibot ang Team #BASerbisyo, a-15 ng Marso at naipamahagi ang 350 food packs sa iba’t ibang masjid sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, kabilang ang:



Mosque sa Brgy. Poblacion Dalican, Brgy. Awang, Brgy. Tamontaka, Brgy. Capiton at

Brgy. Semba.



Ang programang ito ayon sa TIYAKAP ay bahagi ng malasakit, pagkakaisa, at pagbibigayan sa gitna ng mahalagang pagdiriwang ng Ramadan para sa masaganang pamayanan at mapayapang Maguindanao del Norte.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page