REAL HALAL CERTIFIED PRODUCTS, HATID NG HALAL PRODUCING BRAND NA AL BARAKAH PHILIPPINES SA MERKADO
- Diane Hora
- Nov 28, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Hindi na kailangang mag-alala ng mga Pilipinong Muslim dahil opisyal nang inilunsad ang kauna-unahang Real Halal Producing Brand sa bansa, ang Al Barakah Philippines.
Ginarantiya ng Al Barakah Philippines na Halal ang kanilang mga produkto mula sa pagpili ng sangkap hanggang sa maingat na proseso ng paggawa, dito rin naka angkla ang kanilang tagline na “Real Halal You Can Trust” sa kanilang mga produkto tulad ng canned goods, snacks, at coffee. Ang launching ay ginanap sa Crowne Plaza sa Metro Manila kahapon.
Dumalo sa launching ang mga kilalang Islamic religious dignitaries at mga malalaking negosyante.
Inaasahan na sa mga darating na araw, mabibili na ang Al Barakah products sa iba’t ibang pamilihan sa buong bansa.
Comments