top of page

Recruitment at processing ng MILF at MNLF applicants sa PNP, tuloy hanggang June 8, 2027 base sa bagong resolusyon ng NAPOLCOM na tinalakay sa katatapos na IGRB meeting

  • Jul 18, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Pinagtibay ng National at Bangsamoro governments ang National Police Commission o NAPOLCOM Resolution No. 2025-0461 o ang adjusted “reckoning period” para sa application ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) members sa Philippine National Police (PNP) sa ika- 22nd meeting ng IGRB, nitong July 14.


Ito ay napapailalim sa umiiral na mga tuntunin at regulasyon, na walang karagdagang pagpapalawig.


Ang entry ng qualified members ng MILF at ng MNLF sa national police force ay nakasaad sa Section 2, Article XI ng Republic Act No. 11054, o ang Bangsamoro Organic Law (BOL), sa pamamagitan ng pangangasiwa ng NAPOLCOM.


Ang pagiging kasama ng MILF at MNLF members sa PNP ay isang pagsasakatuparan sa key provisions na isinasaad sa Normalization track sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).


Nagpapasalamat naman kay DILG Secretary Jonvic Remulla, Jr.,-

si Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, ang IGRB co-chairperson para sa panig ng national government- sa agarang aksyon ng kalihim sa mahalagang usapin.


Binigyang diin naman ni Education Minister Mohagher Iqbal, ang IGRB co-chair para sa Bangsamoro government, reiterated, na ang pagiging bukas na ito ay daan para sa mas inclusive at makatotohanang landas aniya tungo sa normalization, na tinitiyak na walang magpagiiwan sa patuloy na pagbuo ng pangmatagalang kapayapan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page